80 katao, nasawi na sa U.S. Hawaii wildfire

2023-08-13 13:32:59  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling notisyang ipinalabas ng Maui County, estadong Hawaii ng Amerika, 80 katao ang kumpirmadong masawi sa mga wildfire na naganap gabi ng Agosto 8 (oras na lokal).


Ayon sa nasabing notisya, hindi pa ganap na nakontrol ang mga wildfire. Hanggang noong Agosto 11, 1,418 tao ang nananatili pa sa mga silungan.


Ayon pa sa pagtaya, hanggang noong Agosto 11, 2,207 gusali ang nasira o nawasak, at tinatayang kailanganin ang 5.52 bilyong US Dollar para sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.


Salin: Lito