“Stopover” ni Lai Ching-te sa Amerika, matinding tinututulan ng Tsina

2023-08-13 13:36:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpunta ni Lai Ching-te, pangalawang lider ng rehiyong Taiwan ng Tsina, sa Paraguay para dumalo sa inagurasyon ng bagong presidente ng bansang ito, at “pag-stopover” sa New York, Amerika, ipinahayag ng isang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang opisyal na pag-uugnayan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma, at buong tinding tinututulan ang pagbiyahe ng separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” sa Amerika sa anumang katuriwan.


Ipinahayag niya ang lubos na kawalang-kasiyahan sa lantarang pagtanggap ng Amerika sa “pag-stopover” ni Lai Ching-te, at mahigpit na kinondena ng panig Tsino ang nagawa ng panig Amerikano.


Anang tagapagsalita, iginigiit ni Lai Ching-te ang separatistang posisyong “naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan,” at siya ang ganap na “troublemaker.” Ang pagtanggap ng panig Amerikano kay Lai Ching-te sa pagsasagawa ng aksyong pulitikal sa Amerika, ay grabeng lumabag sa prinsipyong isang-Tsina, at grabeng nakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng panig Tsino, aniya.


Sinabi niya na ang isyu ng Taiwan ay pinakanukleong kapakanan ng Tsina. Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na tupdin ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, itigil ang opisyal na pag-uugnayan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma, at itigil ang panunulsol at pagsuporta sa separatistang puwersang “naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan” at kanilang mga separatistang aksyon.


Mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang pag-unlad ng pangyayaring ito, at isasagawa ang matatag at malakas na hakbangin upang ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.


Salin: Lito