Tsina, pahigpitin ang gawaing pagpigil sa bagyo at baha

2023-08-14 16:33:49  CMG
Share with:

Isinagawa kahapon, Agosto 13, 2023 ng mga departamento ng pamahalaang sentral ng Tsina ang isang video conference para talakayin ang kalagayan ng mga kalamidad sa bansa at isaayos ang mga gawain para mapigilan ang epekto ng baha at bagyo sa mga pangunahing lugar ng Tianjin, Liaoning, Chongqing at Shaanxi.

 

Binigyang diin sa nasabing pulong na dapat pagbutihin ang pangmatagalang gawain para harapin ang epekto ng baha at isaayos ang gawain ng pangangalaga sa pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.

 

Hiniling din ang tamang pagsubaybay sa pagbabago ng panahon at maagang isapubliko ang early-warning para sa masamang panahon.

 

Dumalo sa pulong na ito ang mga departamento ng pamahalaang Tsino na kinabibilangan ng Office of State Flood Control and Drought Relief Headquarters, Ministry of Emergency Management, China Meteorological Administration, Ministry of Water Resources at Ministry of Natural Resources.


Salin: Ernest

Pulido: Mark