Naglabas ng mga alituntunin nitong Linggo, Agosto 13, 2023, ang State Council ng Tsina para i-optimize pa ang foreign investment environment at hikayatin ang mas maraming pamumuhunan sa bansa.
Sinabi ng State Council sa isang dokumento na dapat higpitan pa ng pamahalaan ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga foreign investors, kabilang ang intellectual property rights, at i-explore ang isang “maginahawa at ligtas na mekanismo ng pangangasiwa” para sa daloy ng data ng cross border.
Inanunsyo rin sa naturang dokumento ang mga alituntunin para palakasin ang pagsuporta sa piskal at insentibo sa buwis para sa mga foreign-invested enterprises.
Salin: Ernest
Pulido: Mark