Ini-ulat ngayong araw, Agosto 15, 2023 ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, na matatag ang pambansang kabuhayan, pangangailangan sa produksyon, presyo ng paninda, at kalagayan ng hanap-buhay sa bansa.
Ang Index of Service Production (ISP) ng Tsina noong Hulyo ay tumaas ng 5.7% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022, saad ng ulat.
Anito, ang ISP mula Enero hanggang Hulyo 2023 ay tumaas din ng 8.3% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.
Samantala, ang Industrial Added Value Above Designated Size noong nagdaang Hulyo ay tumaas ng 3.7% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022, at ang Total Retail Sales of Consumer Goods naman sa parehong buwan mahigit 3.6 trilyong yuan Renminbi, na mas mataas ng 2.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Sa kabilang dako, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina noong Hulyo ay mahigit 3.4 trilyong yuan Renminbi, na bumaba ng 8.3% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.
Pero ang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa mula Enero hanggang Hulyo 2023 ay tumaas ng 0.4% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ang unemployment rate sa mga nayon at lunsod noong Hulyo ay 5.3%, at ang Consumer Price Index (CPI) ay bumaba ng 0.3% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio