Seguridad ng mga Tsino, organo at proyekto ng Tsina sa Pakistan, pangangalagaan

2023-08-15 15:34:23  CMG
Share with:

Kaugnay ng naganap na pananalakay, Agosto 13, 2023 sa convoy ng proyektong Tsino sa Gwadar Port, Pakistan, ipinahayag kahapon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na kinokondena ng kanyang bansa ang naturang teroristikong aksyon.

 


Hiniling na rin aniya ng Tsina sa Pakistan na parusahan ang mga salarin ayon sa batas, at isagawa ang mga hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino.

 

Dagdag pa niya, agarang sinimulan ng Embahada at Konsulada ng Tsina sa bansa ang pangkagipitang mekanismo, at pina-alalahanan ang mga mamamayang Tsino at mga kompanyang sangkot sa konstruksyon ng mga proyekto na pag-igihin ang hakbanging panseguridad at mahigpit na subaybayan ang kalagayang panseguridad para maigarantiya ang kaligtasan.

 

Patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng Pakistan, para magkasamang harapin ang banta ng terorismo, tungo sa aktuwal na kaligtasan ng mga mamamayan, organo at proyekto ng Tsina sa Pakistan, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio