Aktuwal na aksyon sa pangangalaga sa kapaligiran, ipinanawagan ni Xi Jinping

2023-08-15 15:04:55  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe sa pangunahing kaganapan ng unang Pambansang Araw ng Ekolohiya, Agosto 15, 2023 sa lunsod Huzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangang Tsina, nanawagan si Pangulong Xi Jinping sa buong lipunan na magsikap upang palaganapin at aktuwal na isakatuparan ang ideyang “lucid waters and lush mountains are invaluable assets.”


Aniya, ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ay pundamental na isyung may kinalaman sa sustenableng pag-unlad ng Nasyong Tsino, at aktuwal na kapakanan ng mga mamamayang Tsino.


Kaya dapat sabayang pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad at de-kalidad na pangangalaga sa kapaligiran, at pabilisin ang konstruksyon ng moderno at maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, dagdag ni Xi.


Matatandaang noong Hunyo 28, 2023, inaprubahan ng Ika-3 Pulong ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang pagtatakda sa Agosto 15 ng kada taon bilang Pambansang Araw ng Ekolohiya ng Tsina.


Dumalo rin sa aktibidad si Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio