Isinapubliko ngayong araw, Agosto 16, 2023 ng Qiushi Journal, opisyal na magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng bansa, hinggil sa modernisasyong Tsino.
Ani Xi, taglay ng ideya ng modernisasyong Tsino ang mga komong elemento sa proseso ng modernisasyon ng mga bansa, at maraming elementong may katangiang Tsino.
Kailangan ang puspusang pagpupunyagi para matagumpay na maisakatuparan ang modernisasyong Tsino, dagdag niya.
Saad ni Xi, kapag naisagawa ang anumang kapasiyahan at aksyon, dapat isaalang-alang muna ang bilang ng populasyon.
Kailangan din aniyang masikap na igarantiya ang pantay na pakinabang ng mga mamamayan sa bunga ng modernisasyon at pigilan ang polarisasyon.
Ang pagkakamit ng kasaganahang materyal at espirituwal ay kahanga-hangang ambisyon ng modernisasyong Tsino, ayon kay Xi.
Isa pa aniya sa mga pangunahing katangian ng modernisasyong Tsino ay pagpapasulong ng maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, kaya, kasabay ng pagpapasulong ng sariling pag-unlad, buong sikap na pinangangalagaan ng Tsina ang kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig at ibinibigay ang mas malaking ambag sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio