China-South Asia Exposition, handa na

2023-08-16 15:37:13  CMG
Share with:

 

Ang Ika-7 China-South Asia Exposition ay idaraos sa lunsod ng Kunming, lalawigang Yunnan, dakong timog ng Tsina mula Agosto 16 hanggang 20.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Li Chenyang, Puno ng Kawanihan ng Komersyo ng lalawigang Yunnan, na handa na ang lahat ng preparasyon para sa ekspo.

 

Dagdag niya, ang Ika-7 China-South Asia Exposition ay may 15 pabilyon at abot sa 150 libong metro kuwadrado ang lawak ng tanghalan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio