Mula Agosto 17, 2023, mahigit 100 tao ang nasawi, halos 1000 tao ang nawawala at ilang libong gusali ang nasira sa sunog sa isla Maui, Hawaii State ng Amerika. Pero hanggang sa kasalukuyan, hindi pa kompleto ang pagkontrol ng sunog.
Sa simula pa lamang, ang apoy ay naganap dahil sa mga likas na elemento, pero mabagal ang aksyon ng pamahalaang Amerikano para rito.
Ayon sa ulat ng media ng Amerika, may 80 emergency siren sa isla Maui na nakakapagbigay ng babala sa publiko para sa seguridad nito, pero hindi tumunog ang mga ito habang sumiksiklab ang sunog sa isla.
Ayon pa sa ulat, ang mga grupo at kagamitan na ipinadala ng pamahalaang Amerikano para sa gawaing panaklolo ay dumating sa Maui, 72 oras pagkatapos ng pagkaganap ng insidente.
Ibig-sabihin, hindi kayang mapigilan at tugunan ng pamahalaang Amerikano ang kalamidad na ito sa Maui.
Bukod dito, habang naganap ang sunog sa Maui, si Pangulong Joseph Biden ng Amerika ay nasa bakasyon at walang anumang sagot habang tinatanong ng mga media hinggil dito.
Ayon sa inisyal na pagtaya, ang halaga ng pagkapinsala sa mga bahay at gusali sa Maui ay umabot sa $6 bilyon.
Simula Agosto 15, pinagtibay ng Amerika ang halos $2.3 milyong panaklolo para sa insidenteng ito. Pero, noong Agosto 14, ipinatalastas naman ng pamahalaang Amerikano ang muling pagkakaloob ng halos $200 milyong tulong na militar sa Ukraine.
Kaya masasabing ang insidente ng pagsunog sa Maui ay hindi lamang kapahamakang pangkalikasan, kundi nagpapakita ng pag-aabuso ng pamahalaang Amerikano.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil