Xi Jinping, ini-enkorahe ang mga guro at estudyante para bigyang-ambag ang pagkakaibigan ng Tsina at Timog Aprika

2023-08-18 16:40:00  CMG
Share with:

Sa kanyang liham Agosto 18, 2023 sa mga guro at estudyante ng Confucius Institute at Durban University of Technology sa Timog Aprika, ini-enkorahe sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mag-aaral ng wikang Tsino at magbigay ng ambag para sa pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.


Sinabi ni Xi na ang pag-aaral at pagkaunawa sa wika at kultura ng ibang bansa ay nakakatulong sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at paghubog ng kanilang pagkakaibigan.


Saad ni Xi na mainit na tinatangap ng Tsina ang pagbisita ng mga guro at estudyante sa Tsina para mas malalimang malaman ang hinggil sa Tsina at ibahagi sa mas maraming kaibigan ang tunay, multi-dimensional at panoramic na pananaw hinggil sa Tsina.


Noong Marso ng 2013, dumalaw si Xi sa Timog Aprika at sinaksihan ang paglagda ng kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa magkasamang pagtatatag ng Confucius Institute at Durban University of Technology.


Hanggang sa kasalukuyan, sinasanay ng institute ang halos 10 libong estudyante.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil