China-Thailand railway, hinangaan ng Punong Ministro ng Thailand

2023-08-18 15:07:58  CMG
Share with:

Sa kanyang paglakbay-suri Huwebes, Agosto 17, 2023 sa lugar ng konstruksyon ng China-Thailand railway, ipinahayag ni Punong Ministro ng Prayut Chan-o-cha ng Thailand na ang daambakal na ito ay magpapataas ng kakayahan ng kanyang bansa sa transportasyon.


Ayon kay Traisuree Taisaranakul, Pangalawang Tagapagsalita ng Pamahalaang Thai, sinabi ni Punong Ministro Prayut na ang mga tulong na ibinigay ng Tsina ay nakakatulong sa pagasasakatuparan ng kooperasyon ng dalawang bansa.


Aniya, ito ay magpapataas ng episiyensiya ng daambakal ng Thailand at mapapasulong ang pag-unlad ng bansa.


Sinabi ni Traisuree na sa kasalukuyan, buong sikap na pinasusulong ng Thailand ang gawain ng konstruksyon ng China-Thailand railway.


Ang nabanggit na daambakal ay nagkakabit ng Thailand at Tsina at dumadaan sa Laos para makatugon sa pangangailangan ng Thailand sa sirkulasyon ng tao at mga paninda.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil