Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Agosto 19, 2023 kay Don Pramudwinai, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, ipinahayag ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Ministrong Panlabas ng bansa, ang kahandaan ng panig Tsino na isulong kasama ng panig Thai ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng kapuwa bansa upang magkasamang harapin ang mga hamon.
Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na patuloy at matatag na suportahan ang konstruksyon ng komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), suportahan ang pangangalaga sa katayuan ng ASEAN bilang sentro, at suportahan ang magkakasamang paglilikha ng sentro ng paglaki ng kabuhayan.
Sinabi naman ni Don na nakahanda ang kanyang bansa na palalimin kasama ng Tsina ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan upang maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Salin: Lito