CMG at MIH, nagkaroon ng kasunduang pangkooperasyon

2023-08-20 14:47:09  CMG
Share with:

Cape Town — Kinatagpo Agosto 19 (lokal na oras), 2023 ni Solomon Lechesa Tsenoli, Pangalawang Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pambansang Asemblea ng Timog Aprika si Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Presidente ng China Media Group (CMG).


Nagkaroon nang araw ring iyon ang CMG at MIH, pinkamalaking direct broadcast satellite platform sa Aprika, ng kasunduang pangkooperasyon.

Binati ni Tsenoli ang pagkakaroon ng CMG at MIH ng kasunduang pangkooperasyon.


Ipinagdiinan niya na lubos na nananabik ang iba’t-bang sirkulo ng lipunang Timog Aprikano sa gagawing pagbisita ni Pangulong Xi Jinping. Nananalig aniya siyang tiyak na matatamo ng Timog Aprika at Tsina ang mas maraming bungang pangkooperasyon sa mas malawak na larangan upang mapasulong ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig sa mas makatarungan at makatuwirang direksyon.

Ipinahayag naman ni Shen na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Aprika, at ika-10 anibersaryo ng pagharap ng “Belt and Road” Initiative (BRI).


Aniya, sa pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, napakabilis at napakalawak na sumusulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Timog Aprika.


Nakahanda ang CMG na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Pambansang Asemblea ng Timog Aprika para makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Timog Aprika sa mataas na antas.


Salin: Lito