Bagong satellite, inilunsad ng Tsina

2023-08-21 15:11:52  CMG
Share with:

 

Lulan ang isang Earth observation satellite, inilunsad sa kalawakan ngayong umaga, Agosto 21, 2023 mula sa Jiuquan Satellite Launch Center ang Long March-4C carrier rocket.

 

Ang naturang satellite ay gagamitin para sa land survey, pagpaplano ng lunsod, pagdidisenyo ng network ng kalye, pagtaya ng output ng mga pananim, at pagpigil sa kalamidad.

 

Sa ngayon ay dumating na sa takdang orbita ang satellite.

 

Ito ang ika-484 na misyon ng Long March series carrier rocket.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio