483 proyektong nagkakahalaga ng halos $US56.5 bilyon, nilagdaan sa Ika-7 China-South Asia Expo

2023-08-21 14:13:03  CMG
Share with:

Agosto 20, 2023, Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina – Sa news briefing kasabay ng pagpipinid ng 5 araw na Ika-7 China-South Asia Expo, isiniwalat na 483 proyekto ang nilagdaan, at kabilang dito ang 342 proyektong pampamumuhunan na nagkakahalaga ng mahigit 412.6 bilyong yuan Renminbi o halos $US56.5 bilyon, at 141 kasunduang komersyal at pangkalakalan na nagkakahalaga naman ng mahigit 10.5 bilyong US dollar.


Maraming mga kinatawan at panauhin mula sa 85 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, at mahigit 30 libong negosyante ang lumahok sa ekspo, sa kapuwa online at offline na plataporma.


Salin: Lito

Pulido: Rhio