Hun Manet, naihalal bilang bagong punong ministro ng Cambodia

2023-08-22 15:40:42  CMG
Share with:

Pinagtibay ngayong araw, Agsoto 22, 2023 ng unang pulong ng ika-7 National Assembly ng Cambodia ang panunungkulan ni Hun Manet bilang bagong punong ministro ng pamahalaan ng bansa.

 

Pagkatapos ng pagkatibay, ipinahayag ni Hun Manet na ang bagong pamahalaan ng Cambodia ay magtatampok sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at pagpapasulong ng reporma sa mas malalim at malawak na antas.

 

Pinagtibay din sa pulong na ito ang mga miyembro ng gabinete ng Cambodia.

 

Si Hun Manet ay isinilang noong Oktubre, 1977, sa lalawigang Kampong Cham ng Cambodia at nagtapos ng kurso sa United States Military Academy (West Point) noong 1999.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil