Idinaos ngayong araw, Agosto 22, 2023 ng pamahalaang Hapones ang pulong ng gabinete at nagpasya na simulan ang pagtatapon ng nuclear-contaminated wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant sa dagat mula Agosto 24.
Ipinahayag ni Punong Ministrong Fumio Kishida ng Hapon na responsable ang pamahalaang Hapones sa kapasiyahang ito.
Pagkatapos ng pulong ng Amerika, Hapon at Timog Korea sa Camp David noong Agosto 19, pinabilis ni Fumio Kishida ang plano ng pagtatapon ng nuclear-contaminated wastewater sa dagat.
Nang araw ring iyon, nagprotesta ang mga mamamayang Hapones sa labas ng palasyo ng punong ministro para sa kapasiyahang ito.
Ayon sa resulta ng public opinion poll ng Kyodo News Agency na isinagawa mula Agosto 19 hanggang 20 sa buong bansa, ipinahayag ng 88.1 percent surveyed ang pagkabahala sa kapasiyahan ng pamahalaang Hapones sa pagtatapon ng nuclear-contaminated wastewater sa dagat.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil