Srettha Thavisin, naihalal bilang bagong punong ministro ng Thailand

2023-08-23 15:38:03  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng pagboto ng parliament, naihalal kahapon, Agosto 22, 2023 si Srettha Thavisin, kandidato ng Pheu Thai Party, bilang bagong punong ministro ng bansang ito.

 

Inanunsyo ni Pornpetch Wichitcholchai, Pangalawang Presidente ng National Assembly ng Thailand, nakuha ni Thavisin ang 482 boto ng kabuuang 728 boto ng mga mambabatas.

 

Si Thavisin ay tanging kandidato ng punong ministro na ininominasyon sa parliamento.

 

Sa susunod na yugto, ang resulta ng pagboto ay isusumite sa Haring Maha Vajiralongkorn para pagtibayin.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil