Paghahanda para sa 2023 CIFTIS, inihayag sa preskon

2023-08-23 16:22:43  CMG
Share with:

 

Isiniwalat, Agosto 21, 2023, sa press conference hinggil sa paghahandang ginagawa sa 2023 China International Fair for Trade In Services (CIFTIS), na nasa 2,200 on-site eksibitor na ang nagpatala para sa nasabing perya, samantalang halos 5,000 iba pa ang nagpalista na rin para sa online na eksibisyon.

 

Ina-aareglo na rin ang mga hakbang para sa pagdaros ng 102 porum, hayag pa sa preskon.

 

Sa ilalim ng temang, "Opening up leads to development, cooperation delivers the future," idaraos ang 2023 CIFTIS mula Setyembre 2 hanggang 6, 2023.


Ulat: Rhio Zablan