Sa press conference ng ika-15 BRICS Summit na idinaos Huwebes, Agosto 24, 2023, ipinatalastas ng BRICS na inaanyayahan ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt, Argentina, Iran at Ethiopia para sumapi dito.
Dumalo sa press conference si Pangulong Xi Jiping ng Tsina at bumigkas ng talumpati.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Xi na tinalakay ng mga kalahok na lider ng BRICS Summit ang hinggil sa kasalukuyang pandaigdigang kalagayan at kooperasyon ng BRICS, at narating ang malawak na komong palagay.
Bumati si Xi sa nabanggit na 6 na bansa at nagbigay ng mataas na pagtasa sa mga ginawang pagsisikap ng Timog Aprika at Pangulong Cyril Ramaphosa para rito.
Idiniin ni Xi na ang ang pagpapalawak ng BRICS sa 6 na bagong miyembro ay nagpapakita ng determinasyon ng BRICS sa pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga umuunlad na bansa at ito rin aniya ay angkop sa komong kapakanan ng mga umuusbong na market countries at umuunlad na bansa.
Saad pa ni Xi na ang pagsapi ng mga bagong miyembro sa BRICS ay magpapasigla sa mekanismo ng kooperasyon at ibayo pang magpapalakas ng puwersa ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Isinapubliko sa press conference ang deklarasyon ng ika-15 BRICS Summit.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil