Positibong enerhiya, ininiksyon ni Xi Jinping sa BRICS

2023-08-24 15:22:57  CMG
Share with:

Johannesburg, Timog Aprika — Pinanguluhan ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, Agosto 23, 2023 ang Ika-15 Summit ng mga Lider ng mga Bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa).


Dumalo rito sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil, Punong Ministro Narendra Modi ng India, at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya (sa pormang online).


Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang nasabing mga lider tungkol sa kooperasyon ng BRICS, mahahalagang isyung pandaigdig, at nagkaroon sila ng malawakang komong palagay.


Samantala, ipinalalagay nilang pumasok na sa bagong maligalig at nagbabagong panahon ang kasalukuyang daigdig.


Kaya ang mahalagang temang pinagtuunan ng pansin sa pagtitipon ay “saan pupunta ang BRICS at paano iiniksiyunan ng katiyakan ang maligalig na daigdig?”


Kaugnay nito, tinukoy ni Xi na ang mga bansang BRICS ay mahalagang puwersa sa pagmomolde ng kayariang pandaigdig.


Dapat aniyang iniksiyunan ng BRICS ng mas maraming katiyakan, katatagan, at positibong enerhiya ang kasalukuyang daigdig.


Sa ngayon, ang teritoryo ng mga bansang BRICS ay katumbas ng mga 1/3 ng kabuuang teritoryo ng buong mundo, ang populasyon nito ay katumbas ng 40% ng buong populasyon sa daigdig, at ang kabuuang bolyum ng kabuhayan nito ay katumbas naman ng 1/4 ng daigdig.


Sa nasabing summit, mahigit 20 bansa ang nagprisintang sumapi sa BRICS, bagay na nagpapakita ng bitalidad, pang-akit at estratehikong halaga ng mekanismong pangkooperasyon ng BRICS sa mga suliraning pandaigdig.


Tungkol dito, tinukoy ni Xi na ang diwa ng BRICS, na pagiging bukas, inklusibo, at pagkakamit ng win-win na resulta ay nararapat igiit upang makasapi ang mas maraming bansa sa BRICS Family at mapasulong ang pangangasiwa sa daigdig tungo sa mas makatarungan at makatuwirang direksyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio