Kaugnay ng pagsisimula Agosto 24, 2023 ng pagtatapon ng pamahalaang Hapones ng Fukushima nuclear-contaminated water sa dagat, ipinahayag nang araw ring iyon ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matatag na pagtutol at matinding pagkondena hinggil dito.
Aniya, iniharap ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Hapones at hiniling na agarang itigil ang ganitong maling aksyon.
Anang Tagapagsalita na ang paghawak sa nuclear-contaminated water ay isang malubhang isyu ng seguridad na nuklear na may impluwensiya, hindi lamang sa Hapon, kundi sa ibang mga bansa.
Aniya pa, ang Fukushima nuclear accident na naganap noong nakaraang 12 taon ay nagresulta ng malubhag kalamidad dahil sa pagtagas ng maraming radioactive material sa dagat, at ang pagtatapon ng Hapon ng nuclear-contaminated water sa dagat ay ikalawang beses na nakapinsala sa kapakanan at seguridad ng mga mamamayan sa lokalidad, miging sa buong daigdig.
Saad din ng Tagapagsalita na ang pamahalaang Hapones ay nabigo na patunayan ang pagiging lehitimo at legalidad ng kapasiyahan ng pagtatapon ng nuclear waste water sa dagat, long-term reliability ng mga pasilidad sa paglilinis ng nuclear waste water, pagiging tunay at katumpakan ng datos ng paghawak sa nuclear-contaminated water, at ang pagtatapon ng nuclear waste water sa dagat ay ligtas sa kapaligiran ng dagat at hindi mapanganib sa kalusugan ng mga tao.
Idiniin ng tagapagsalita na palagiang inuuna ng pamahalaang Tsino ang kapakanan ng mga mamamayan at gagamitin ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang seguridad ng pagkain at kalusugan ng mga mamamayan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil