MOFA: Pagpapalawak ng BRICS, bagong simula ng kooperasyon ng organisasyon

2023-08-25 14:58:28  CMG
Share with:

Sa ika-15 BRICS Summit na idinaos sa Johannesburg ng Timog Apika, sinang-ayunan ng kalahok na bansa na inaanyayahan ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt, Argentina, Iran at Ethiopia para maging bagong miyembro ng BRICS.


Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Agosto 24, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) ang pagbati sa nabanggit na mga bansa.


Sinabi ng Tagapagsalita na may kahalagahang pangkasaysayan ang pagpapalawak ng BRICS at ito ay bagong simula ng kooperasyon ng BRICS.


Anang Tagapagsalita na ang pagsapi ng mga bagong miyembro sa BRICS ay magpapasigla sa mekanismo ng kooperasyon at ibayo pang magpapalakas ng puwersa ng kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.


Ayon sa MOFA, sinimulan ng BRICS ang proseso ng pagpapalawak noong taong 2022 at tinanggap ang aplikasyon ng mahigit 20 bansa.


Anang Tagapagsalita na ito’y nagpapakita ng kabighanian ng BRICS at kasiglahan at hangarin ng mga umuusbong na pamilihan at umuunlad na bansa sa kooperasyon.


Saad pa ng Tagapagsalita na ang ang pagpapalawak ng BRICS ay nagpapakita ng determinasyon ng BRICS sa pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga umuunlad na bansa at ito rin ay angkop sa ekspektasyon ng komunidad ng daigdig at komong kapakanan ng mga umuusbong na pamilihan at umuunlad na bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil