CMG Komentaryo: Ang mga bansa sa paligid ng Pacific Ocean, may kapangyarihan umapela sa pamahalaang Hapones para sa kompensasyon

2023-08-26 15:40:03  CMG
Share with:

Pagkatapos ng pagsisimula ng pamahalaang Hapones ng pagtatapon ng Fukushima nuclear-contaminated water sa dagat, dumaraming bansa sa paligid ng Pacific Ocean ang nagprotesta hinggil dito.


Para sa mga bansang nasa paligid ng Pacific Ocean, lalo na ng mga bansang isla roon, may kapangyarihan ang mga ito sa pag-apela sa pamahalaang Hapones para sa kompensasyon ng nuclear waste water.


Halimbawa, hiniling nang mga ilang beses ng Marshall Islands sa Hapon na itakda ang plano ng paghawak ng nuclear-contaminated water sa halip ng pagtatapon ng mga tubig sa dagat lamang.


Pero, nagbulag-bulagan ang Hapon sa mga lehitimong kahilingan ng mga bansa na gaya ng Marshall Islands.


Sa totoo lang, inamin minsan ng panig Hapones na walang kakahayang malinis ang nuclear-contaminated water hanggang sa ligtas na standards ng pagtatapon.


Ibig-sabihin, ang pagtatapon ng Hapon ng nuclear waste water sa dagat ay naglilipat ng hamon ng polusyong nuklear sa komunidad ng daigdig. Kaya dapat magbigay ang Hapon ng kompensasyon sa mga apektadong bansa at rehiyon.


Ang mga pandaigdigang batas na gaya ng Geneva Convention on the High Seas, United Nations Convention on the Law of the Sea, Convention on the Prevention of Marine Pollution by Dumping of Wastes and Other Matter at iba pa ay nagsawa ng malinaw na tadhana hinggil sa pagtatapon ng mga radioactive waste sa dagat. Bilang signataryong bansa ng naturang mga batas, ang aksyon ng Hapon ay bukas na lumabag sa mga tadhana ng pandaigdigang batas. Kaya dapat magbigay ang Hapon ng kompensasyon sa mga apektadong bansa at rehiyon.


Nauna rito, lumitaw ang ilang bansa na gumamit ng sandata ng batas para pangalagaan ang sariling lehitimong kapakanan. Ang naturang mga kaso ay magiging modelo ng mga bansa sa paligid ng Pacific Ocean.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil