Tsina, nanawagang pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa terorismo

2023-08-26 13:09:46  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nation Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng paglaban sa terorismo, nanawagan si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig laban sa terorismo, iwasan ang pagsasapulitika ng isyung kontra-terorismo at alisin ang mga pinag-ugatan ng terorismo.


Ipinahayag ni Geng na dapat katigan ng iba’t ibang panig ang nukleong papel ng UN sa mga aksyon ng paglaban sa terorismo at komprehensibong ipatupad ang mga may kinalamang resolusyon ng UNSC at Pangkalahatang Asembleya ng UN.


Sinabi ni Geng na ang pagsasagawa ng double standard sa isyu ng paglaban sa terorismo ay makakapinsala sa kooperasyong pandaigdig.


Saad pa ni Geng na ang hindi sapat na pag-unlad ay isa sa mga pinag-uugatan ng terorismo, kaya dapat tulungan ng komunidad ng daigdig ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga umuunlad na bansa, pagpawi sa kahirapan, pagpapasulong ng edukasyon, pagdaragdag ng pagkakataon ng hanap-buhay at pagpigil sa epekto ng ekstrimistang ideya sa kabataan.


Kaugnay ng insidente ng teroristikong pag-atake na naganap sa Pakistan at Iran kamakailan, sinabi ni Geng na ito’y nagpapakitang nananatiling maluhba ang hamon ng terorismo, at dapat pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pagkakaisa at pagtutulungan para buong sikap na mapigilan ang pagkalat ng teroristikong puwersa.


Saad ni Geng na kinokondena ng panig Tsino ang anumang paraan ng terorismo, palagiang pinahahalagahan at aktibong lalahukan ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa terorismo at sinusuportahan ang nukleong papel ng UN para rito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil