Vladimir Putin, hindi dadalo sa G20 Summit

2023-08-26 13:35:47  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Agosto 25, 2023 ng Information Telegraphic Agency of Russia-TASS (ITAR-TASS), ipinahayag ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na hindi pupunta si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa India para dumalo sa ika-18 G20 Summit na idaraos sa darating na Setyembre.


Sinabi ni Peskov na abalang abala ang kasalukuyang gawain ni Putin, lalong lalo na sa espesyal na aksyong militar sa Ukraine, kaya walang balak si Putin na pumunta sa India.


Kaugnay ng pagdalo sa G20 Summit sa pamamagitan ng video link, ipinahayag ni Peskov na wala pang katiyakan ang aktuwal na paraan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil