Sa kanyang pagdalo sa Ika-9 na Kubuqi International Desert Forum, Agosto 26, 2023 sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina, sinabi ni Li Hongzhong, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng bansa, na sapul noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2012, matatag at komprehensibong pinapalakas ng CPC at pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, bagay na malaking nagpapabuti sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Li, na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang serye ng mga bagong ideya at estratehiya na nagkakaloob ng siyentipikong patnubay sa pagtatayo ng kaaya-ayang Tsina at nagpo-promote ng katalinuhang Tsino para sa magkakasamang pagtatayo ng malinis at magandang daigdig.
Ang desertipikasyon ay komong hamong kinakaharap ng buong sangkatauhan, dagdag ni Li.
Dapat aniyang igiit ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan; ipatupad ang “United Nations Convention to Combat Desertification (UNCCD);” patingkarin ang namumunong papel ng pamahalaan, organisasyong pandaigdig, at iba’t-ibang organo sa pagpigil at pagkontrol sa desertipikasyon; at palalimin ang kooperasyon sa siyentipikong pananaliksik upang magkakasamang mapasulong ang pangangasiwa sa sistemang ekolohikal ng buong mundo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio