Malawakang kilos protesta, idinaos sa Timog Korea kaugnay ng pagtatapon ng Hapon ng nuclear-contaminated wastewater sa dagat

2023-08-27 15:04:04  CMG
Share with:

Malawakang kilos protesta ang idinaos Agosto 26, 2023 ng mga partido oposisyon sa Timog Korea, na kinabibilangan ng Minjoo Party of Korea bilang pagkondena sa kapasiyahan kamakailan ng pamahalaang Hapones na itapon sa dagat ang nuklear na kontaminadong tubig mula sa Fukushima Daichi Nuclear Power Plant.


Hinimok ng mga demostrador ang pamahalaan ni Yoon Seok-youl na isagawa ang kaukulang hakbangin upang pigilan ang nasabing kapasiyahan ng Hapon.


Sa kanyang talumpati sa demonstrasyon, sinabi ni Lee Jae-myung, Presidente ng Minjoo Party of Korea, na matinding probokasyon sa buong sangkatauhan ang pagtatapon ng Hapon ng nuklear-kontaminadong tubig sa dagat.


Ito aniya ay mistulang deklarasyon ng digmaan laban sa mga bansa sa baybaying-dagat ng Pasipiko.


Hinimok niya ang pamahalaang Hapones na agarang itigil ang pagtatapon ng nuklear-kontaminadong tubig sa dagat, at humingi ng tawad sa Timog Korea tungkol sa mga nagawa nitong kamalian.


Hiniling din niya sa pamahalaan ni Yoon Seok-youl na tupdin ang responsibilidad at ipagsanggalang ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan, at isagawa ang tamang hakbangin para pigilin ang gawain ng Hapon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio