Diyalogo at talastasan, tanging paraan sa paghulagpos sa kahirapan ng Korean Peninsula — kinatawang Tsino

2023-08-27 15:07:07  CMG
Share with:

Sa isang bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, ipinahayag Agosto 25, 2023 ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa UN, na ang isyu ng Korean Peninsula ay hindi simpleng isyung nuklear, dahil ito'y may-kinalaman sa kaligtasang pulitikal na iniwan ng Cold War.


Sinabi niya na ang tanging paraan upang makahulagpos mula sa kahirapan ang Korean Peninsula, ay diyalogo at talastasan.


Ani Geng, dapat patingkarin ng UNSC ang konstruktibong papel sa pagpapahupa ng tensyon, at pagpapasulong ng kalutasang pulitikal.


Nakahanda ang panig Tsino na patuloy na panatilihin ang mahigpit na pakikipagsanggunian sa iba’t-ibang kaukulang panig upang makapagbigay ng konstruktibong pagsisikap sa pagpapasulong ng kalutasang pulitikal sa isyu ng Korean Peninsula, aniya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio