Idinaos, Agosto 27, 2023 ng Embahadang Tsino sa Baghdad, Iraq at Ministring Panlabas ng Iraq ang selebrasyon bilang pagdiriwang sa Ika-65 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Iraq.
Dumalo rito sina Mohammed Hussein Bahr Al-Uloom, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iraq, at Cui Wei, Embahador ng Tsina sa Iraq.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Al-Uloom na nitong 65 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, natamo ng relasyong Iraqi-Sino ang napakalaking pag-unlad sa pundasyon ng paggagalangan sa isa’t-isa, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Cui, na kasama ng panig Iraqi, magsisikap ang panig Tsino upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Iraqi at lumikha ng mas magandang bukas para sa relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio