Nasa 23 katao, patay sa engkuwentro ng tropang Yemeni at rebeldeng Houthi

2023-08-28 10:50:16  CMG
Share with:

Inihayag ng sandatahang lakas ng Yemen, na 15 rebeldeng Houthi at 8 sundalo ng pamahalaan ang nasawi sa engkuwentrong naganap, Agosto 27, 2023 sa probinsyang Lahj sa katimugan ng bansa.


Nasa 10 kataong iba pa ang sugatan, dagdag nito.


Anito, ang pinakahuling pag-atake ay ang “pinakamalaki at pinakamadugo” nitong ilang buwang nakalipas.


Samantala, wala pang reaksyon ang mga rebeldeng Houthi sa pangyayari.


Salin: Lito

Pulido: Rhio