3 itim na Amerikano, patay sa insidente ng pamamaril sa Florida, Amerika

2023-08-28 11:10:44  CMG
Share with:

Inihayag, Agosto 26, 2023 ng kapulisan ng lunsod Jacksonville, Florida, Amerika, na 3 kataong nabibilang sa itim na lahi ang namatay dahil sa  pamamaril sa isang tindahan.


Anang pulisya, binaril ng isang 20 anyos na puting lalaki ang 2 itim na lalaki at 1 itim na babae, bago niya kinitil ang sariling buhay.


Salin: Lito

Pulido: Rhio