Lider ng Indiya at Rusya, nag-usap

2023-08-29 15:26:22  CMG
Share with:

Ipinahayag, Agosto 28, 2023, ng Kremlin, na nag-usap sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Punong Ministro Narendra Modi ng Indiya, hinggil sa bilateral na relasyon at kooperasyong pandaigdig.

 

Ayon sa pahayag, nakahanda ang Rusya at Indiya na ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa kalawakan, patuloy na isakatuparan ang mahalagang proyekto sa enerhiya, at palawakin ang konstruksyon ng imprastruktura ng transnasyonal na transportasyon.

 

Tinalakay din nila ang mga bunga ng Ika-15 BRICS Summit na idinaos kamakailan sa Johannesburg ng Timog Aprika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio