Binuksan Agosto 28, 2023 sa Beijing, ang Ika-5 Sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), kataas-taasang lehislatura ng bansa.
Sinuri rito ang panukalang rebisyon sa Law on Administrative Reconsideration, panukalang Foreign State Immunities Law, at panukalang amiyenda sa Civil Procedure Law.
Ayon sa ulat nito sa sesyon, sinabi ng Komite sa Konstitusyon at Batas ng NPC, na ang nasabing 3 panukala ay nasa hustong gulang na, at nararapat ratipikahan.
Samantala, isinagawa rin ang deliberasyon sa iba pang mga panukalang tulad ng panukala sa Company Law, panukala sa Kasunduan ng Ekstradisyon sa Ecuador, at iba pa.
Pinakingan din sa pulong ang ulat hinggil sa kuwalipikasyon ng mga diputado at personnel-related bill, implementasyon ng plano para sa pambansang ekonomiya at pag-unlad ng lipunan, at pagsasagawa ng badyet sa taong ito.
Pinanguluhan ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC ang naturang sesyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio