Sa kanyang pakikipagtagpo Agosto 29, 2023, sa Beijing, kay Gina Raimondo, dumadalaw na Kalihim ng Komersyo ng Amerika, ipinahayag ni Li Qiang, Premiyer ng Tsina, na ipinahayag ng Amerika na nagsisikap para panumbalikin ang adyenda na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa sa Bali Island.
Sina Premiyer Li Qiang ng Tsina at Gina Raimondo, dumadalaw na Kalihim ng Komersyo ng Amerika (photo from Xinhua)
Tinukoy ni Li na ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay may mutuwal na kapakinabangan at win-win in nature.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para palakasin ang diyalogo at kooperasyon sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, at umaasa ang Tsina na tatahakin ng Amerika ang parehong layunin.
Aktibong pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, itatag ang world-class market-oriented na kapaligiran ng negosyo, lalo pang bubuksan ang market access, isasakatuparan ang national treatment ng mga negosyo ng puhunang dayuhan, pangangalagaan at pasusulungin ang pantay-pantay na kompetisyon, diin ng premyer Tsino.
Ipinahayag naman ni Raimondo na susuportahan ng pamahalaan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang Tsina sa pagpapaunlad nito ng ekonomiya at pagpapabuti ng kabuhayan.
Walang intensyon ang Amerika na pigilin ang pag-unlad ng Tsina, at hindi nais ng Amerika ang decoupling sa Tsina.
Nakahanda aniya ang Amerika na panatilihin ang pakikipagkomunikasyon sa Tsina, pangalagaan ang normal na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, para pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Nakahanda rin ang Amerika na palakasin ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa artificial intelligence, pagbabago ng klima, paglaban sa Fentanyl at iba pang larangan, dagdag ni Raimondo.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil