Ipinatalastas kahapon, Agosto 29, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, magsasagawa si Pangulong Patrice Guillaume Athanase Talon ng Benin ng dalaw pang-estado sa Tsina mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3.
Ipinahayag ng tagapagsalita na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam na tunguhin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang panig, mabunga ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan at mahigpit ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi ng tagapagsalita na habang dumadalaw ang pangulo ng Benin sa Tsina, magkakahiwalay na makikipagtagpo sa kanya sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Premyer Li Qiang, at Tagapangulo ng Zhao Leji ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC).
Naniniwala aniyang ang pagdalaw ng pangulo ng Benin sa Tsina ay ibayo pang mapapasulong ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil