Pakikidalamhati, inihayag ni Wang Yi kaugnay ng kalamidad sa Tajikistan

2023-08-31 15:47:40  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikidalamhati ang ipinadala, Agosto 30, 2023 ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Sirodjiddin Mukhriddin, Ministrong Panlabas ng Tajikistan, kaugnay ng malubhang kasuwalti na idinulot ng malakas na ulan sa bansa.

 

Sa ngalan ng Ministring Panlabas ng Tsina, taos-pusong nakiramay si Wang sa mga biktima at ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga kamag-anak ng mga nasawi at apektadong mamamayan.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio