Mahalagang artikulo ni Pangulong Xi Jinping, ilalathala ng Qiushi Journal

2023-08-31 16:47:52  CMG
Share with:

Nakatakdang ilathala, Setyembre 1, 2023 sa Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pinamagatang “Talumpati sa Talakayan Tungkol sa Pagmamana at Pag-unlad ng Kultura.”


Ayon dito, napakahaba ng kasaysayan ng kulturang Tsino.


Upang mas mabisang mapasulong ang malikhaing pag-unlad ng tradisyonal na kulturang Tsino at mas malakas na mapasulong ang konstruksyon ng kultura ng sosyalismong may katangiang Tsino, kailangang komprehensibo’t malalim na unawain ang kasaysayan ng kulturang Tsino, ani Xi.


Aniya, ang paglikha ng makabagong kasaysayan ay pinakamabuting pamana sa kasaysayan, kaya dapat magkakasamang magsikap upang makalikha ng makabagong kultura sa kasalukuyang siglo at itayo ang modernong sibilisasyon ng Nasyong Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio