Ministrong Panlabas ng Tsina at Timog Korea, nag-usap

2023-09-01 15:41:18  CMG
Share with:

Nag-usap kahapon, Agosto 31, 2023 sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Park Jin ng Timog Korea.


Ipinahayag ni Wang na nananatiling matatag at sustenable ang patakaran ng Tsina sa Timog Korea.


Sinabi ni Wang na dapat igiit ng dalawang bansa ang tamang direksyon ng mapagkaibigang kooperasyon para mapalalim ang pagkaunawaan ng kanilang mga mamamayan, mapigilan ang pakikialam ng dayuhang puwersa at pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng Timog Korea ang pagsasarili ng estratehiya, at salungatin ang mga aksyon ng decoupling at anti-globalisasyon.


Saad ni Wang na kinakatigan ng Tsina ang pagganap ng positibong papel ng Timog Korea sa kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea.


Ipinahayag naman ni Park ang pag-asa ng Timog Korea na mapapahigpit, kasama ng Tsina, ang pagpapalagayan sa mataas na antas, mapapalakas ang pagpapalitang tao-sa-tao, mapapabuti ang pag-unawa sa isa’t isa, at maitatatag ang malusog at mahusay na relasyon ng dalawang bansa.


Sinabi niyang walang balak ang kanyang bansa sa pagsasagawa ng decoupling sa anumang bansa sa isyu ng kadena ng pagsuplay at industriya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil