Listahan ng bagong gabinete, aprobado ng Haring Thai

2023-09-03 13:44:55  CMG
Share with:

Ayon sa royal gazette ng Thailand, Setyembre 2, 2023, inaprobahan ni Haring Maha Vajiralongkorn ang listahan ng mga bagong miyembro ng gabinete ng bansa na binubuo ng 34 na miyembro.


Kabilang dito, si Srettha Thavisin ang siyang bagong Punong Ministro at Ministro ng Pinansiya ng bansa.


Nakuha naman ng Pheu Thai Party, isang koalisyong pampamahalaan ang 10 pangunahing posisyon sa gabinete na kinabibilangan ng pinansiya, komersyo, ugnayang panlabas, pampublikong kalusugan, depensa, kultura, at transportasyon.


Napasakamay naman ng Bhumjaithai Party, pinakamalaking coalition partner ng Pheu Thai Party, ang mga posisyon ng suliraning panloob, edukasyon, at manggagawa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio