Pabilyon ng Pilipinas sa Cafe Show China 2023
Ibinida, Setyembre 1, 2023, ni Agriculture Councilor Ana Abejuela ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas sa Beijing ang kape ng Sultan Kudarat, sa Cafe Show China 2023 na ginanap sa China International Exhibition Center, lunsod Beijing.
Larawan ng Sultan Kudarat Coffee
Isa ang kape ng Sultan Kudarat na pumukaw sa atensyon ng libu-libong exhibitor, bisita, mamumuhunan, at mahihilig uminom ng kape, dahil sa taglay nitong kakaibang aroma at lasa.
AgriCon Ana Abejuela (sa gitna), mga opisyal, at mga magsasaka ng kape ng Sultan Kudarat
Emb. Jaime FlorCruz (ika-3 sa kaliwa), AgriCon Ana Abejuela (ika-4 sa kanan), mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas
Lydia Kan (dulong kaliwa), Executive Assistant ng Agrikulture Counsellor, Embahada ng Pilipinas, Mark Fetalco (ika-2 sa kaliwa), PTV 4 reporter, mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas
Ayon kay AgriCon Abejuela, ito ang unang pagkakataon na sumali sa Cafe Show China ang Pilipinas, pero ito ang ikalawang pagkakataon na ipo-promote ang Philippine Specialty Coffee sa Tsina.
Layon aniya nito na maipakita at maipatikim sa mga kaibigang Tsino ang Robusta Coffee Beans, na kasinsarap ng kape na iniinom nila dito.
Magandang pagkakataon ito para tulungan ang mga magsasaka ng kape ng Sultan Kudarat, dahil kung meron silang mabebentahan na mas maganda, aangat ang kanilang kita at buhay, saad pa ni Abejuela.
Tsinong bumibili ng kape
Aniya, malaki ang maitutulong ng mga cafe show sa pagpapalakas ng relasyong pangkalakalan ng mga magsasakang Pilipino at negosyante ng kape sa Tsina, at dahil dito, lalo pang mapapatibay ang ugnayang Pilipino-Sino.
Coffee Cupping Session ng Philippine Specialty Coffee
Nagustuhan at nasorpresa ang mga Tsino sa kape ng Sultan Kudarat
Sinabi rin niya na talagang nagustuhan at nasorpresa ang mga Tsino sa lasa ng Robusta Coffee, at may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng grupo ng Sultan Kudarat, mga mamimiling Tsino at mga mamumuhunan para sa pag-aangkat.
Iba’t ibang uri ng kape ng Sultan Kudarat
Samantala, tampok din sa Pabilyon ng Pilipinas sa Cafe Show China 2023 ang iba’t ibang uri ng kape ng mga magsasaka ng Sultan Kudarat at tinangkilik ito ng mga mamimili at mahilig uminom ng kape.
Ang Cafe Show China 2023 ay ginanap mula Setyembre 1 hanggang Setymbre 3, 2023.
Ulat: Ramil Santos
Larawan: Rhio Zablan
Patnugot sa teksto: Rhio/Jade
Patnugot sa website: Lito