Pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Iran at Saudi Arabia, makakapagbigay ng positibong epekto sa rehiyon at Lebanon — Iran

2023-09-03 13:45:57  CMG
Share with:

Sinabi sa Beirut Setyembre 1, 2023 ni Hossein Amir-Abdollahian, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Iran, na ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Iran at Saudi Arabia ay makakapagbigay ng positibong epekto, hindi lamang sa rehiyong ito, kundi maging sa Lebanon.


Sinusuportahan aniya ng Iran ang paghulagpos ng Lebanon sa krisis, at tinututulan ang panghihimasok ng puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Lebanon.


Dagdag niya, may mahaba at mainam na estratehikong relasyon ang Iran at Lebanon, at nakahanda ang Iran na magkaloob ng iba’t-ibang uri ng suporta at tulong sa Lebanon sa lahat ng sandali.


Salin: Lito

Pulido: Rhio