Espesyal na sugo ni Xi Jinping, dadalo sa inagurasyon ng Pangulo ng Zimbabwe

2023-09-04 16:30:29  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Setyembre 4, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Emmerson Mnangagwa ng Zimbabwe, dadalo sa inagurasyon ng kanyang pagka-Pangulo si Zhou Qiang, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 


Idaraos ang nasabing inagurasyon, Setyembre 4, 2023, sa Harare, kabisera ng Zimbabwe, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio