Hangzhou, “city of charm” sa Ika-20 CAEpo

2023-09-04 14:46:42  CMG
Share with:

Inihayag, Setyembre 3, 2023 ng Sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), na ang lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang ng Tsina ang magiging “city of charm,” sa Ika-20 CAEpo.


Anito, komprehensibong ipapakita ng Hangzhou ang pang-akit at kasiglahan nito sa buong mundo.


Kaugnay nito, ipagmamalaki sa Hangzhou exhibit area ang mga kapansin-pansing bungang natamo sa mga larangang tulad ng digital economy, Smart Internet of Things, at e-commerce, anang sekretaryat.


Sa panahon ng ekspo, idaraos din ang mga aktibidad ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan upang mapasulong ang mga pragmatikong kooperasyon.


Ang Ika-20 CAExpo ay nakatakdang idaos sa lunsod Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina mula Setyembre 16 hanggang 19, 2023.


Salin: Lito

Pulido: Rhio