Talakayan, idinaos bilang paggunita sa tagumpay laban sa agresyong Hapones

2023-09-04 14:44:51  CMG
Share with:

Beijing — Isang talakayan ang idinaos Setyembre 3, 2023 bilang paggunita sa ika-78 anibersaryo ng tagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression and the World Anti-Fascist War.


Dumalo rito sina Li Shulei, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Publisidad ng bansa, at mga 200 kinatawang kinabibilangan ng mga kamag-anakan ng mga beteranong sundalo, heneral, at martir na lumaban sa digmaan, mga kamag-anakan ng mga dayuhang nagkaloob ng suporta at ambag sa mga mamamayang Tsino sa pakikipaglaban sa mga mananalakay na Hapones, at mga kinatawan, mula sa iba’t-ibang sirkulo ng Beijing.


Ang War of Resistance Against Japanese Aggression ay ang pinakamahaba, may pinakamalaking saklaw, at nagbunsod ng pinakamaraming sakripisyo mula sa mamamayang Tsino, sa modernong kasaysayan ng Tsina.


Ito rin ang unang komprehensibong tagumpay na natamo ng mga Tsino sa paglaban para sa pambansang kasarinlan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio