Pangulo ng Rusya at Turkey, tinalakay ang isyu ng kasunduan hinggil sa paghahatid ng produktong agrikultural ng daungan ng Black Sea

2023-09-05 16:30:56  CMG
Share with:

Sochi Nag-uusap Setyembre 4, 2023 sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.

 

Nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa kooperasyon ng Rusya at Turkey sa seguridad, kabuhayan, pulitika, kultura at ibang pang larangan, kasunduan hinggil sa paghahatid ng produktong agrikultural ng daungan ng Black Sea, at iba pang isyu.

 

Sa magkasanib na preskon pagkatapos ng pag-uusap, inulit ni Putin na komprehensibong isasakatuparan ang nilalaman ng naturang kasunduan hinggil sa pagkansela ng limitasyon sa pagluluwas ng produktong agrikultural ng Rusya at isasaalang-alang ng Rusya ang posibilidad ng agarang pagbabalik ng kasunduang ito.

 

Samantala ipinahayag ni Erdogan ang kahandaan ng Turkey na magsikap hangga’t maaari para pasulungin ang bagong round na pagsasanggunian hinggil sa pagbabalik ng kasunduan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil