Kooperasyong Sino-Lao sa iba’t-ibang larangan, isusulong

2023-09-05 14:30:11  CMG
Share with:

Beijing Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 4, 2023 kay Saysomphone Phomvihane, Presidente ng Pambansang Asemblea ng Laos, ipinahayag ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, walang patid na sumusulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos.


Ipinahayag ni Zhao ang kahandaan ng panig Tsino na palalimin kasama ng panig Lao ang kanilang pagkokoordinahan upang ilipat ang mahalagang napagkasunduan ng pinakamataas na lider ng kapuwa bansa sa aktuwal na bungang pangkooperasyon at benepisyunan ng mas mabuti ang kanilang mga mamamayan.


Ani Zhao, buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang panunungkulan ng Laos bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao upang magkasamang mapalalim ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at mapangalagaan ang katatagan sa rehiyong ito, diin pa niya.


Ipinahayag naman ni Saysomphone na mahabang kasaysayan ang tradisyonal na pagkakaibigang Lao-Sino, walang patid na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.


Naihahatid ng inisyatiba ng “Belt and Road” ang aktuwal na kapakanan sa mga mamamayang Lao, dagdag niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil