Premyer Li Qiang ng Tsina, nasa Jakarta

2023-09-06 10:36:09  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at pamahalaan ng India, lumisan ng Beijing, umaga ng Setyembre 5, 2023 papuntang Indonesia para dumalo sa serye ng pulong ng mga lider tungkol sa kooperasyon ng Silangang Asya, at magsagawa ng opisyal na pagdalaw sa Indonesia.


Bukod pa riyan, bibiyahe din ang premyer Tsino sa India upang dumalo sa Ika-18 G20 Summit.


Sa paliparan ng Jakarta, ipinahayag ni Premyer Li na ang pagdalo sa naturang serye ng pulong at pagdalaw sa Indonesia, ay kanyang unang biyahe sa bansang Asyano sapul nang manungkulan siya bilang premyer Tsino.


Sinabi niya na buong tatag na kinakatigan ng Tsina ang namumunong papel ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon.


Nakahanda rin ang panig Tsino na malalimang makipagpalitan ng kuru-kuro sa iba’t-ibang panig tungkol sa rehiyonal na kooperasyon at palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang manatiling mahalagang puwersang tagapagpasulong ang Silangang Asya para sa pag-unlad ng buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Ramil