CMG Komentaryo: Kompiyansang dala ng CIFTIS, leksyon sa mga naninira sa kabuhayang Tsino

2023-09-07 11:17:50  CMG
Share with:

Ipininid sa Beijing, Setyembre 6, 2023 ang 2023 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).


Umabot sa mahigit 1,100 ang kontratang napirmahan, 280 libong bisita’t mamimili ang dumalo, at 83 bansa’t organisasyong pandaigdig ang lumahok.


Dinala ng 5 araw na perya ang aktuwal na kompiyansa sa kabuhayang Tsino sa pamamagitan ng napakaraming produkto, bilang ng lumahok, at datos ng napirmahang kasunduan.


Ito ay nagbibigay ng leksyon sa mga personaheng Amerikano’t kanluranin na naninira sa kabuhayang Tsino.


Halimbawa, ang Britanya ang panauhing pandangal sa nasabing perya, at ipinadala nito ang pinakamalaking delegasyon nitong 4 na taong nakalipas.


Bukod pa riyan, mahigit 60 kompanya’t organong Britaniko ang nakilahok.


Ipinahayag din ng kinatawang Britaniko ang kawalang-paniniwala sa di-umano’y “pagkalas sa Tsina.”


Ayon sa ilang dayuhang media, ipinalulutang ng ilang personaheng Amerikano’t kanluranin ang ideyang “pagkawala ng kompiyansa” sa kabuhayang Tsino dahil hindi nila makitang magkakaroon ng sustenableng pag-unlad sa kanilang mga bansa.   


Wala silang kompiyansa sa sarili, kaya hinahagilap nila ang sariling ginhawa sa pagsira sa kabuhayang Tsino.


Pero, kahit magkaroon man ng negatibong pananaw tungkol sa Tsina, hindi pa rin mareresolba ang kanilang mga problema.


Dapat nilang makita ang “kompiyansa sa Tsina,” na inihatid ng CIFTIS, at sa halip ay maghanap ng mga oportunidad para sa mutuwal na pag-unlad.


Salin: Lito

Pulido: Rhio